-- Advertisements --

Nananawagan ang NHS Blood and Transplant sa lahat ng pasyente sa United Kingdom na gumaling mula sa coronavirus na magdonate ng kanilang dugo dahil sa posibilidad na makatulong ito sa iba ring pasyente ng COVID-19.

Kasunod ito nang paghahanda ng UK na gamitin ang dugo ng mga coronavirus survivors para pagalingin ang mga pasyente na patuloy na nakikipaglaban sa virus.

Umaasa ang British government na mabisang panlaban ang nadevelop na antibodies para labanan ang virus.

Una nang naglunsad ang Estados Unidos nang pag-aaral tungkol dito.

Sa oras kasi na tamaan ang isang indibidwal ng COVID-19 ay kaagad na magdedevlop ang kanilang immune system ng antibodies na humaharang naman sa virus.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang NHSBT sa mga pasyenteng gumaling sa coronavirus para suriin kung posible na gamitin ang kanilang plasma.