Inaasahan na umano ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon na maraming papabor sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-abolish o buwagin ang kanilang ahensya.

Binigyang-diin ni Gascon na ang CHR ay isang constitutional office at patuloy nilang gagampanan ang kanilang mandato bilang independent, non-partisan institution.

Ito ay para protektahan at i-promote ang human rights sa lahat ng sambayanan.

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar at Philippine National Police (PNP) ang basta-bastang pagdalo sa mga gagawing imbestigasyon ng CHR.

Kailangan aniyang magpaalam muna ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Pangulo kung sila ay dadalo o hindi.

Pagtiyak naman ni Dela Rosa na kanilang susundin ang utos ng pangulo ukol dito at masaya siya para rito.

“Tanunging po niyo ako bakit, kung alanganin kami sa investigation then sabihin ni presidente huwag kaming humarap, then it would be our advantage, hindi kami mabubugbog sa imbestigasyon nila,” wika ni Dela Rosa.