-- Advertisements --

Hindi pa posible sa ngayon na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 batay sa kasalukuyang data ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar.

Aniya, bunsod ng nangyayaring giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, pumapalo ngayon ang production cost ng palay sa P11.50 kasa kilo habang bunsod naman ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at fertilizer, umakyat pa sa P14.80 ang kada kilo sa production cost ng palay.

Sa kasalukuyan ang farmgate price ng palay ay pumapalo na sa P19 per kilo.

Subalit ipinunto naman ni Dar na maaaring maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kung maibababa din ang production cost.

Inihalimbawa nio sa bansang Thailand na ang kasalukiyang production cost sa Palay ay nasa P8 kada kilo habang mas mababa naman ang production cost sa Vietnam na nasa P6 lamang kada kilo.

Iginiit naman ng DA chief na magandang pangitain ang kagustuhan ni President-elect Bongbong Marcos na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 subalit kaialngan pa aniyang ito ay mapagplanuhang maigi kung paano ito maisasakatuparan.

Samantala, nauna ng inihayag ni Department of Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz kamakailan lamang na nakapagbalangkas sila ng isang stratehiya para makamit ang target ni Marcos na P20/kilo price cap ng posibleng maabot ng mas maaga sa taong 2023.

Aniya posible ang naturang plano sa pamamagitan ng mega farm project ng DA.

Subalit ayon kay kay DA chief na posible lamang ang P20/kilo price cap kapag bibilhin ng gobyerno ang bigas mula sa mga magsasaka at ibenta ito sa halagang P20 kada kilo kung saan nasa P123 billion ang gugugulin ng gobyerno para dito.

Top