-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni PLt. Honorio Campos, tagapagsalita ng Agusan del Norte Police Provincial Office na mismong ang ama ng 9-anyos nga bata, ang humalay-patay nito matapos matagpuan ang biktima na wala ng buhay sa talahiban ng Purok 1, Brgy. Sta. Ana sa bayan ng Tubay sa nasabing lalawigan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na tatlong mga saksi ang nagbigay na ng kanilang affidavit na nagtutumbok sa 39-anyos na si Joselito Llido Paña na syang gumawa sa brutal na kremin sa kanyang anak nitong Marso a-30.

Lumabas sa resulta ng isinagawang autopsy at medico genital exam sa bata na positibo itong hinalay at namatay ito matapos hampasin ng mabigat na bagay ang likod ng kanyang ulo.

Ngayong Lunes ay pormal ng isasampa ang kasong rape with homicide laban sa suspetsadong ama sa pamamagitan ng inquest proceedings base na rin sa reklamo ng kanyang asawa.

Hanggang sa ngayo’y hindi pa rin inamin ng ama na sya ang may kagagawan nito sa sariling anak sa kabila ng testimoniya ng mga saksi na siya ang kasama ng bata nang huli itong makita.

Sa ngayo’y inaantay na lamang nila ang resulta sa isinagawang drug test upang malaman kung gumamit ba ito ng ilegal na druga sa panahon na naganap ang naturang kremin at inalam na rin nila kung nauugnay ba ito sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na druga.