-- Advertisements --
PITX CORPO AFFAIR HEAD JASON SALVADOR

Hiniling ngayon ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Inter Agency Task Force (IATF) na silipin ang isyu sa siksikan daw ng mga pasahero sa mga huling biyahe ng gabi ng mga bumibiyahe nang bus.

Hiniling din ni Jason Salvador, PITX Corporate Affairs Head sa pamahalaan na kung maari ay dagdagan ang mga unit ng bus na bumibiyahe dahil aminado naman itong marami talagang mga pasaherong bumibiyahe papasok at palabas ng Metro Manila.

Ang pagdadagdag ng bus ay para na rin umano sa kaligtasan ng mga pasahero maging ang mga drivers at mga konduktor.

Kasabay nito, tiniyak ni Salvador na mahigpit ang kanilang ipinatutupad na health protocols kahit buhos araw-araw ang mga pasaherong nagtutungo sa PITX.

Maalalang may mga lumabas na impormasyon nagsisiksikan na ang mga pasahero sa mga huling biyahe ng bus para lamang makauwi na ang mga pasahero.

Kasabay na rin ito ng pagbubukas ng 12 ruta ng provincial bus operation ngayong araw.