-- Advertisements --
Desidido ang transport group na Piston na ituloy ang kanilang ikinasang tigil pasada mula Disyembre 14 hanggang 15.
Sinabi ni Piston President Mody Floranda na layon ng nasabing tigil pasada ay bilang pangontra sa December 31 na deadline ng PUV consolidation.
Inaayawan nila ang nasabing hakbang dahil sa pangambang mawawalan sila ng pangkabuhayan.
Nanawagan din ang grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tuluyan ng alisin ang PUV modernization program na papalitan ng mga traditional jeepney sa modern jeepney na nagkakahalaga ng P2.8 milyon kada isa.
Umaasa din ang grupo na makikilahok ang ilang transport group sa ikinasa nilang tigil pasada.