-- Advertisements --

Nakitaan ng piskalya ng probable cause para kasuhan ng arson sina film director Jade Castro at tatlong iba pa.

Naaresto ang mga ito ng walang warrant of arrest sa Mulanay, Quezon dahil sa pagsunog sa modern jeepney sa katabing bayan.

Sinabi ni Atty. Carmela Pena na dahil sa nakitaan ng sapat na ebidensiya ay inirekomenda ng piskalya sa Provincial Prosecutor ang paghahain ng information ng destructive arson kay Castro.

Magugunitang noong Pebrero 1 ay inaresto sina Castro at tatlong kasamahan na sina Ernesto Orcinem, Noel Mariano at Dominic Valero Ramos ng mga kapulisan ng Mulanay matapos na ituro ang mga ito na nagsunog ng modern jeep sa Barangay Dahican sa Catanauan noong Enero 31.