-- Advertisements --

Itinakda sa araw ng Lunes, Marso 18 ang pirmahan ng kasunduan ng rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pangugnunahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa MalacaƱan ang pagsaksi sa pirmahan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ang San Miguel Corp.
para sa 15-aton concession ng rehabilitation ng paliparan.

Ito na ang maituturing na pinakamalaking public-private partnership (PPP) project sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon na nagkakahalaga ng P122.3-bilyon.

Tiniyak naman ng DOTr na kanilang ipapasakamay sa nasabing kumpanya ang operations and maintenance ng NAIA bago ang Setyembre 11.