-- Advertisements --

Pumalo na sa halos P5.5Million ang halaga ng danyos na iniwan ng Supertyphoon Egay sa malaking bahagi ng bansa.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council, P1.9Billion dito ay pinsalang naidulot nito sa mga pananim.

Ito ay mula sa 149,000 ektarya ng mga pananim na kinabibilangan ng mga palayan, maisan, at mag high value commercial crops.

114,000 na magsasaka naman ang apektado rito.

Para sa imprastraktura, umabot ang pinsala dito ng hanggang sa P3.5 bilyon.

Karamihan sa mga nasira ay ang mga daanan, tulay, flood control government officers, silid aralan, utility services, at marami pang iba.

Sa kasalukuyan, umabot na rin sa 34,000 na kabahayan ang natukoy na partially-damaged habang 1,283 ang natukoy na totally damaged.

Ang lahat ng mga nabanggit na numero ay inaasahan pang lalong tataas habang nagpapatuloy pa rin ang validation na ginagawa ng mga otoridad ng bansa.