-- Advertisements --
image 44

Pumalo na sa P436million ang pinsalang iniwan ng bagyong Goring sa sektor ng Agrikultura at Imprastraktura sa bansa.

Ito ay batay sa datus ng National Disaster Risk Reduction Management Council(NDRRMC).

Sa nasabing halaga, P395million ang pinsala ng naturang kalamidad sa Agrikultura kung saan labis na naapektuhan dito ay ang mga rehiyon ng Cagayan Valles, Central Luzon, at Western VIsayas.

Umaabot naman sa P41.2million ang iniwan nitong pinsala sa imprastraktura.

Kabilang sa mga pampublikong imprastraktura ay ang mga nawasak na kalsada, tulay at mga irrigation canal sa ibat ibang rehiyon sa bansa.

Inaasahan pa ring tataas ang naturang halaga habang nagpapatuloy ang validation ng mga field officers ng ibat ibang mga ahensiya ng pamahalaan, katulad ng DA, DPWH, at iba pa.