-- Advertisements --

Patuloy pang tumataas ang pinsalang idinudulot ng El Nino phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Ito ang iniulat ng Department of Agriculture matapos na umakyat pa sa Php1.75-billion ang halaga ng pinsalang tinamo ng sektor nang dahil sa matinding init ng panahong nararanasan ngayon.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nasa walong rehiyon ang kasalukuyang dumadanas ngayon ng dry spell kabilang na ang Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccksargen.

Sa datos, lumalabas na nasa kabuuang 32,231 hectares naman ng sakahan, at 29,437 na mga magsasaka rin ang apektado nang nararanasan dry spell sa bansa.

Habang sa ngayon ay nasa 48,332 metric tonnes ng bigas, 18,966 metric tonnes ng mais, at 7,794 metric tonnes ng mga high-value crops ang naitalang production loss ng DA nang dahil pa rin sa epekto ng El Nino phenomenon sa Pilipinas.