Lumobo pa sa mahigit P1 bilyon ang pinsala at pagkalugi na natamo ng sektor ng agrikultura kasunod ng pananalasa ng Bagyong Goring at habagat.
Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center na tumaas sa P1.14 bilyon ang halaga ng pagkawala ng produksyon dahil sa nasabing sama ng panahon.
Nasira ang 44,928 ektarya ng mga lupang sakahan sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas, na nakaapekto sa 35,006 na magsasaka.
Ang palay ang pinaka-naapektuhan na kalakal, na may P979.42 milyong halaga ng pinsala at volume loss na 41,238 MT sa 38,949 ektarya ng palayan.
Sumunod ang mais na may kabuuang halaga na nawala na P148.6 milyon, katumbas ng 9,723 MT ng mga pananim na nasira sa 5,911 ektarya ng mais.
Ang mga high-value crops ay nagtamo ng P12.50 milyon halaga ng pinsala, na isinalin sa kabuuang dami ng pagkawala ng 322 MT sa 68 ektarya ng mga lupang sakahan.
Ang sub-sector ng livestock and poultry ay nagdulot ng P2.59 milyon na pinsala.
Sa ngayon, ang DA, sa pamamagitan ng kanilang mga regional field offices, ay nagsasagawa pa rin ng mga assessement ng kabuuang pinsala at pagkalugi na dala ng ‘Goring’ sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.