Lumawak pa ang pinsala ng bagyong Paeng sa sekor ng agrikultura at imprastruktura sa bana na papalo na sa halos P9 billion ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Iniulat ng ahensiya na nasa P4.27 billion na ang naitalang pinsala sa sagrikultura sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Dahil dito apektado ang nasa 109,489 magsasaka at mangingisda.
Sa sektor naman ng imprastruktura, ang pinsala ay umaabot na sa PHP4.67 billion sa nabanggit na mga rehiyon.
Nasa kabuuang 53, 229 kabahayan ang napinsala habang nasa mahigit 1.3 million pamilya naman ang apektado mula sa mga sinalantang rehiyon habang nasa 10,283 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Sa latest data naman ng NDRRMC, pumalo na sa 159 ang nasawi dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyo habang may 30 katao pa ang kasalukuyang nawawala.