-- Advertisements --
image 79

Umakyat pa sa higit P109-na milyong piso ang halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa mga electric cooperative (ECs) sa bansa.

Batay ito sa assessment ng National Electrification Administration (NEA).

Sa talaan ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), aabot sa 25 electric cooperatives (ECs) ang naapektuhan ng kalamidad kung saan ang pinakamalala ang tama sa Oriental Mindoro Electric Cooperative.

Nakapagtala ang ORMECO ng pinakamalaking halaga ng pinsala na umabot sa #57-million.

Mula naman sa 20 electric cooperative (ECs) noong Biyernes, ay bumaba na sa 13 ang bilang ng mga electric cooperative (ECs) na nasa ilalim pa rin ng partial power interruption dahil sa bagyo.

Patuloy namang humihingi ng pang-unawa ang National Electrification Administration (NEA) sa mga apektadong miyembro, at consumer habang patuloy na sinisikap ng mga ito na maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.