Isang 30-anyos na lalaking Pilipino ang nasugatan sa paa matapos tamaan ng missile impact sa Arad town sa Israel, na bahagi ng umano’y pag-atake mula sa Iran, ayon sa Philippine Embassy.
Agad siyang dinala sa Soroka Medical Center at inaasahang lalabas na ng ospital matapos gamutin ang sugat.
Ayon sa embahada, binisita ng rapid reaction team ang sugatang Pinoy at iba pang kababayan sa Arad at Dimona, kung saan ilang apartment ang bahagyang nasira. Namahagi rin sila ng food packs at nagbibigay ng tulong.
Ililipat muna sa pansamantalang matutuluyan ang ilang Pinoy habang ang iba ay nasa hotel malapit sa Dead Sea.
Patuloy namang mino-monitor ng embahada ang kondisyon ng sugatang OFW at magbibigay rin ng psychosocial support sa mga naapektuhan. (Report by Bombo Jai)
















