-- Advertisements --

Nabigo si Filipino sprinter Eric Cray na magkaroon ng tsansa na makapag-qualify sa Paris Olympics.

Sa pagtatapos naman ng 2023 World Athletics Championships ay nagtapos ito sa pampitong puwesto sa men’s 400 meters hurdles.

Nakakuha si Cray na six-time Southeast Asian Game champion at record holder ay mayroong kabuuang 50.27 seconds sa torneo na ginanap sa National Athletics Center sa Budapest, Hungary.

Nanguna naman sa torneo si Kyron Mcmaster ng British Virgin Island na may kabuuang 48.47 seconds na nakuhang oras.

Pumangalawa naman sa puwesto si Rasmus Magi ng Estonia na mayroong 48.58 seconds at pumangatlo si Trevor Bassitt ng US na mayroong 48.73 at Wiseman Mukhobe ng Kenya na mayroong 49.10 seconds.