-- Advertisements --

Hinimok ng isang kongresista ang national government na isama ang mga seafarers sa priority list nang mga mababakunahan kontra COVID-19.

Inihain ni Marino party-list Rep. Sandro Gonzales ang House Resolution No. 01473 para matiyak na hindi mapag-iiwanan ang naturang sektor kapag dumating na sa bansa ang COVID-19 vaccine.

Iginiit nito na mahalaga ang papel ng mga tripulante pagdating sa maintenance nang supply ng kinakailangan na medical supplies, food at iba pang pangunahing pangangailangan ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We already filed a house resolution to address this concern and as soon as the vaccine becomes available locally, we will work hard to ensure that Filipino seafarers will have access to the vaccine,” ani Gonzales.