-- Advertisements --

Muling nagbalik sa House of Representatives si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga matapos ang sunod-sunod na suspensyon at pagkakasangkot sa kasong cyberlibel.

Sa isang video na inilabas online, naging matapang ang pahayag ng mambabatas laban sa kanyang mga kapwa opisyal, kung saan tinawag niya ang Kongreso bilang “crocodile farm” at inakusahan ang ilan ng pagiging “magnanakaw.”

Giit ni Barzaga, handa siyang ipagpatuloy ang laban kontra umano’y korapsyon at isulong ang hustisya para sa mga Pilipino.

Matatandaang dalawang beses siyang nasuspinde ng tig-60 araw dahil sa disorderly conduct at paglabag sa House Code of Conduct, at kamakailan lamang ay pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa kaugnay ng ilang bilang ng cyberlibel.

Sa kanyang pagbabalik, inaasahang mananatili si Barzaga bilang isa sa mga kritiko ng liderato ng Kamara. (Report by Bombo Jai)