ILOILO CITY – All set na ang Filipino Para-swimmer sa kanyang unang laro ngayong araw sa Men’s 200 meter medley SM7 dakong alas-9:03 ng umaga.
Si Ernie Gawilan ay tubong Bukidnon at mayroong underdeveloped na mga kamay at paa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Gawilan, sinabi nitong hindi kailaman iniisip na hadlang ang kanyang kapansanan sa pagkamit ng kanyang mga pangarap sa buhay.
Nag-umpisa si Gawilan sa kanyang swimming career noong 2003 sa tulong ng non-government organization sa Samal, Davao Del Norte.
Dahil sa determinasyon at passion sa nasabing sport, naging first gold medalist siya ng Pilipinas sa Asian Para Games-200 meter individual medley S7 noong 2018.
Inaanyayahan din ng Paralympian ang publiko na makinig sa bombo radyo philippines para sa updates sa Tokyo 2020 Paralympics.