James Delos Santos
-- Advertisements --

Nagwagi ng gintong medalya si Filipino karateka James delos Santos sa Okinawa E-Tournament World Series.

Ito na ang pang-36th gold medal na kaniyang nakuha ngayong taon kapantay ang bilang din na kaniyang nakamit noong 2020.

Sinabi nito na naging malaking hamon sa kaniyang na matapatan ang nakuha nitong medalya noong nakaraang taon.

Target nito ngayon na mahigitan ang gintong medalya na nakuha noong nakaraang taon.
Naging ranked number 1 si Delos Santos noong Oktubre 2020.