-- Advertisements --

Tiwala ang grupo ng mga gymnastics sa bansa na hahakot ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam si world champion Caloy Yulo.

Sinabi ni Cynthia Carrion ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines , na nakatutok ang mata ng iba’t-ibang bansa kay Yulo.

Habang nagsasagawa aniya sila ng training sa Vietnam ay maraming bansa ang nangangamba at natatakot sa performance ni Yulo.

Lalahok ang 22-anyos na Tokyo Olympics veterans sa mga katergorya gaya ng parallel bars, pommel horse, rings at floor exercises.

Dumating sa Vietnam si Yulo kasama ang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya ilang araw bago ang pagsisimula ng torneo nitong Mayo 12.

Pagkadating aniya nila ay nagsagawa na ang mga ito ng matinding ensayo.