-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa 13,760 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa.

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nadagdagan ng 127 new cases ang bilang kahapon, January 22.

“The reported spike is due to another surge in COVID-19 cases reported in one country in Europe.”

Nadagdagan din ang total recoveries ng 46 kaya umakyat ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa 8,794.

Wala namang nai-report na bagong namatay kaya nananatili sa 944 ang total deaths.

Ayon sa DFA, mula ang mga kaso ng COVID-19 ng mga Pilipino sa 84 bansa at mga teritoryo.

Pinakamaraming tinamaan sa Middle East at Africa, sumunod sa Asia-Pacific, Europe at The Americas. Sa ngayon 4,022 pa raw ang nagpapagaling.

“The DFA personnel in our Foreign Service Posts remain steadfast in partnering with local health authorities and commit to tirelessly attending to the needs of our people, whenever possible.”