-- Advertisements --

Handang-handa ng idepensa ni Pinoy boxing star Pedro Taduran ang kaniyang International Boxing Federation (IBF) mini-flyweight champion belt.

Makakaharap ng 28-anyos na Pinoy boxer si dating titlist na si Ginjiro Shigeoka sa darating na Mayo 24 sa Osaka , Japan.

Sinabi nito na labis ang kaniyang kasabikan para sa nasabing laban.

Ilang buwan na rin aniya silang nagsagawa ng matiding ensayo sa pamumuno ng kaniyang head coach na si Carl Penalosa Jr.

Lahat aniya ng istilo ng Japanese boxer ay kanilang pinag-aralan para matiiyak ang kanilang panalo sa laban.

Noong Hulyo 2024 ng makaharap niya ang Japanese boxer kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng Technical Knockout sa loob ng ika-siyam na round.