-- Advertisements --

Target ni Filipino WBO minimumweight champion Melvin Jerusalem ng mas maraming mga world titles.

Ito ay matapos ang tagumpay niya noong nakaraang linggo ng talunin si Masataka Taniguchi ng Japan.

Ayon sa Bukidnon native na handa na itong lumaban sa boxing ring para maging undisputed world champion.

Ang nasabing panalo aniya ay siyang bunga ng kaniyang 9 na taon na pagsisikap para makamit ang world title.