-- Advertisements --

Nakaligtas sa matinding pagsubok sa kaniyang career si Carl Jammes Martin matapos magwagi laban kay dating world title challenger Aran Dipaen ng Thailand sa undercard ng Thrilla In Manila 50th anibersaryo.

Sa unang round ay kontrolado ng 26-anyos na si Martin hanggang nakasilip ng pagkakataon ang Thai boxer at napatumba si Martin.

Mabilis na nakabangon si Martin at doon umulan ng suntok mula sa kaniya.

Kapwa hindi nagpatinag ang dalawang boksingero hanggang matapos ang 10 rounds.

Lahat ng tatlong judges ay pumabor kay Martin para makuha ang majority decision.

Mayroong 27 panalo at walang talo na may 20 knockouts si Martin habang si Diapen ay mayroong 21 panalo at limang talo na may 18 KO.