-- Advertisements --

Nananatiling wala pang talo si Pinoy boxer Kenneth Llover.

Matapos na magwagi ito laban kay dating two-division world champion Luis Concepcion sa kanilang non-title bantamweight fight.

Sinikap ni Llover na tapusin ng maaga ang laban kung saan napatumba niya ang Panamanian boxer subalit ito ay naligtas ng tunog ng bell.

Nagawa pang makaganti ni Concepcion at nakipagsabayan sa 22-anyos na Pinoy boxer.

Pagdating ng ika-walong round ay doon na pumasok ang mga suntok ni Llover at napatumba muli si Concepcion kaya minabuti ng referee na tapusin ang laro.

Si Llover ay mayroon ng 15 panalo at wala pang talo habang si Concepcion ay mayroong 40 panalo, 12 talo at 29 knockouts.

Susunod na laban ni Llover para sa world title eliminator laban kay IBF number 5 nasi Landile Ngxeke ng South Africa sa darating na Oktubre 26.