Maria Ozawa with Pinoy bf 2

Kapwa nagpahayag ng in love message sa isa’t isa ang dating Japanese porn star na si Maria Ozawa at half Pinoy restaurant owner na boyfriend nitong si Jose Sarasola.

Ito’y kasabay ng pagdiwang sa kanilang fourth anniversary kahit LDR (long distance relationship) kung saan nasa home country nito sa Japan si Ozawa dulot ng coronavirus pandemic.

-- Advertisement --

Gayunman, aminado si Chef Jose na hindi naging madali ang relasyon nila ng ngayo’y 35-year-old actress dahil sinalo niya ang lahat ng uri ng pamba-bash bago natutunan ang “art of dedma.”

Mas pinili raw niyang mag-focus sa kung anong mayroon sila ni Ozawa kung saan hindi niya ito tinatrato sa pagiging adult video star, bagkus, ay kilala niya na ang malalim na pagkatao ng nobya.

“I treated her like Maria Ozawa, the person who she really is inside,” dagdag nito sa “Tunay na Buhay.”

Nabatid na siya ang first ever long time girlfriend ng nasabing chef, at hangad ni Ozawa na magkita na uli sila ngayong taon.

“I felt really sorry for Jose. We kinda, like, set it aside. If we were happy then who cares about the other people,” wika naman ni Ozawa.

Kung maaalala, makakatambal dapat ni Ozawa si Robin Padilla sa isang horror entry ng 2015 Metro Manila Film Festival ngunit nag-backout ang tinaguriang Bad Boy in Philippine Showbiz.