-- Advertisements --

Inalok si Filipina volleyball star Jaja Santiago ng koponan na sa Japan na maging naturalized player nila.

Ayon sa 25-anyos na middle blocker na mula pa noon ay pinili na niya ang Japanese team na Saitama Ageo Medics.

Paliwanag niya na may mga alok ang ibang bansa na maglaro sa kanilang koponan gaya sa Turkey at China subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay kaniya na nitong tinanggihan.

Santiago Jaja
Jaja Santiago/ IG Post

Dagdag pa nito, sinabihan siya ng coach ng koponan na si Antonio Marcos Lerbach na may magandang plano sa kaniya ang koponan.

Sakaling maging naturalized player na ito ay makakapaglaro na siya bilang local sa nasabing liga.

-- Advertisement --

Isa rin aniyang pangarap niya ang makapaglaro sa Olympics kaya napapaisip na kagatin na lamang ang alok para maging naturalized player ng Japan.

Sa kasalukuyan ay nakatutok ito ngayon sa paglalaro sa Premier Volleyball League.