-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng W60 Madrid Tournament si Filipino tennis star Alex Eala.
Tinalo kasi nito ang number 3 seed na si Jaimee Fourlis ng Australia sa score na 6-1, 6-4.
Sinamantala ng 17-anyos na si Eala ang mga forced errors ng 22-anyos na si Fourlis.
Susunod na makakaharap ni Eala ang sinumang manalo sa pagitan nina Carole Monnet ng France o No. 16 seed Katherine Sebov ng Canada.