-- Advertisements --

Umaangat pa ang WTA world ranking ni Filipina tennis star Alex Eala.

Mula kasi sa dating 413 ay nasa 340 na ang world ranking nito sa loob lamang ng isang linggo.

Sa nasabing ranking ay itinuturing na siya ang may pinakamataas na ranking sa Southeast Asian women’s tennis player.

Nakatakdang sumabak ang 17-anyos na si Eala sa W25 Open sa Generali Ciudad de Palma de Rio sa Spain sa darating na Hunyo 27.

Target nitong makakuha ng ikatlong titulo sa pro circuit matapos manalo sa W25 Chiang Rai tournament noong Abril.