-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals sa ikatlong pagkakataon ngayong season ng W25 Roehampton sa Great Britain si 6th seeded tennis player Alex Eala.

Ito ay matapos ang upset na panalo 6-2, 6-4 laban kay number 1 seed na si Priscilla Hon ng Australia.

Sa simula pa lamang ay dominado na ni Eala ang laro.

Susunod na makakaharap niya si third seed at World Number 208 na si Arianne Hartono ng the Netherlands.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nakapasok si Eala sa semifinals ng W100 Vitora-Gastez at W25 Yecla kung san nagwagi ito.