-- Advertisements --
Nagpasya si Pinay swimmer Kayla Sanchez na hindi muna sumali sa World Aquatics Championships para pagtuunan ang kaniyang kampanya ng Pilipinas sa Asian Games sa Hangzhou, China.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, na pinayuhan siya ng coach ng Filipino-Canadian na pagtuunan ng pansin ang quadrennial regional events.
Nakatakda kasing magsimula ang world championship sa Hulyo 14 sa Fukuoka , Japan habang ang Asian Games ay sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.
Noong Hulyo 2022 si Sanchez na mayroong hawak na isang Olympic silver at tatlong world championship gold ay nakumpleto na ang paglipat sa Pilipinas.
Kinailangan lamang niya kasi ng isang taon na manirahan sa bansa para maipresenta ito.