-- Advertisements --

Nasa maasyos na kalagayan ang Pinay na si Hazel Ann Morales na inaresto sa Tokyo, Japan na inakusahang inabandona ang labi ng nasawing mag-asawang Hapiones.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano matapos makausap niya ng personal ang Pinay na nasa isang detention center nitong Martes.

Inamin din ng opisyal na hindi nila pinag-usapan ang hinggil sa kaso ng Pinay dahil isa aniya ito sa request ng pulis sa naturang detention facility.

Samantala, nakakuha na ang Pinay ng kaniyang abogado na itinalaga ng korte at hiniling din ng Pinay sa awtoridad sa Pilipinas na ipaabot sa kaniyang pamilya ang kaniyang mensahe.

Una rito, base sa police, si Morales ay kasintahan umano ng anak ng mag-asawang nasawi. Nakita naman si Morales kasama ang isang Pinoy sa isang security camera footage sa may binisidad ng bahay ng mag-asawa noong Enero 16.

Sumunod din na naaresto ang Pinoy na nakita sa video at pinaghihinalaang inabandona ang bangkay ng mag-asawa.

Subalit ayon sa DFA, sa kanila ng pagkakaaresto sa 2 pilipino, hindi pa aniya sila maituturing na akusado sa pagpatay sa mag-asawang Hapones.