-- Advertisements --

Nabigo si Filipino fighter Denice Zamboanga sa muling paghaharap niya kay Ham Seo Hee.

Nakuha ni Ham ang unanimous decision laban kay Zamboanga sa ONE X na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.

Sa naging panalo ngayon ng South Korean veteran mixed martial arts fighter ay kumbinsido na ang mga judges.

Magugunitang noong Setyembre 2021 ng manalo ito sa split decision kung saan marami ang kumuwestiyon sa panalo nito.

Naging emosyonal si Ham dahil sa panalo nito kung saan hindi niya asahan na ma-dodomina na nito ngayon ang laban.

Aminado kasi ito na noong unang paghaharap nila ng Pinay fighter ay hindi it kumbinsido dahil sa marami ang bumatikos sa panalo niiya ngayon aniya ay gumana ang game plan at tiyak aniya na hindi na maku-kuwestiyon ang panalo nito.