-- Advertisements --
Nabigo ang Pinay athlete na si Christine Hallasgo na depensahan ang korona matapos na mauwi sa silver medal ang pagtakbo niya women’s marathon event sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
Kung maalala noong 2019 sa Pilipinas ay namayani si Hallasgo ng talunin ang kababayan na si Mary Joy Tabal.
Sa Hanoi nagtapos si Hallasgo sa two hours, 56 minutes, at .07 seconds, kasunod ng gold medalist na si Odekta Naibaho Elvina ng Indonesia na may oras na two hours, 55 minutes, at 28 seconds.