-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro sa 32nd Southeast Asian Games ang Pinay volleyball player na si Kath Arado.

Ayon sa Philippine national women’s volleyball team na nagtamo kasi ng injury ang manlalaro kaya minabuti na hindi na sumabak sa torneo.
Dahil dito ay ipapalit nila si Bang Pineda.

Natamo ni Arado ang kaniyang injuries sa paglalaro niya sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Si Arado ay siyang tinanghal na best Libero sa katatapos na PVL conference kung saan ito na sana ang pangatlong beses na niyang maglaro para sa bansa.