-- Advertisements --
Nag-uwi ng dalawang bronze medal ang dalawang bowlers ng bansa sa 2023 International Bowling Federation (IBF) World Bowling Championships sa Salmiya, Kuwait.
Ang dalawa na sina Grace Gella at Krizziah Macatula ay hindi nagtagumpay sa semifinal rounds sa pangunguna nina Colleen Pee at New Hui Fen sa dalawang laro sa semifinals.
Sa unang set ay dominado na ng Singapore ang laban 236-149 bago tuluyang ma-sweep ng Singaporean doubles ang ikalawang set 182-250.
Dahil dito ay kapwa makakaharap ng mga Singaporean ang kanilang kababayan sa final rounds.