BACOLOD CITY – Nagpabugbog muna sa masahe si Aiba Women’s World Boxing 2019 Champion Nesthy Petecio bago paman ang kaniyang boxing match.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Petecio, may ilang araw pa bago ang kanyang laban kaya sinamantala niya na ang pagkakataong magpa-hard massage bilang parte ng kanyang pagpapakondisyon sa 2019 South East Asian (SEA) Games.

”Pa kondisyion po muna kasi medyo matagal pa po yong laban, so may time pa po na magpa bugbog muna sa muscle kaya nagpa massage po ako agad, wala pong pagdadalawang isip,” ani Petecio.

Una nang nag-post sa social media account niya si Petecio na ang kanyang laban ay magaganap sa darating na December 9 bandang alas-3:00 ng hapon sa Philippine International Convention Center, bilang sagot sa tanong ng mga boxing fans.