GENERAL SANTOS CITY – Nagluluksa ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio sa pagkamatay ng kanyang dating kasamahan sa national team.
Si Alexcel Dargantes na taga-Barangay Bula, GenSan, ay naiuwi na sa lungsod kahapon matapos umanong nag-suicide sa Baguio City.
Ayon kay Petecio, nakilala niya si Dargantes noong 2013 nang kanyang makasama sa training hanggang sa naging malapit na magkaibigan.
Ngayong buwan lang din nang kanyang makausap si Dargantes at nabanggit sa kanya ang problema.
Gayunman, hindi na sinabi ni Petecio ang dahilan kung ano ang naturang mabigat na problema ni Alexcel na posibleng dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nabatid na ang lokal na gobyerno ng GenSan ang nag-asikaso sa pag-uwi ng bangkay ng dating national athlete at nagbigay na rin ng tulong sa pamilya nito.
Sa ngayon, pinaniniwalaan na depresyon ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.