-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr si bowling legend Olivia “Bong” Co bilang isa sa commissioners ng Philippine Sports Commission.

Ang nasabing appointment ni Coo ay pinirmahan ni Pangulong Marcos nitong Hulyo 19.

Labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ni Coo sa pangulo dahil sa pagtitiwala sa kaniyang kakayahan.

Itinturing nito na isang katuparan ng kaniyang pangarap na tulungan ang mga atleta.

Bilang PSC commissioner ay makikipagtulungan ito sa PSC board na babalangkas ng mga paraan para sa kapakanan ng mga atleta.

Si Coo rin ang kasalukuyang nahalal na pangulo ng Philippine Bowling Federation.

Ang 74-anyos na si Coo ay itinuturing na Greatest International Bowlers of All-Time ng Bowlers International kung saan naging coach na rin ito, physical education instructor bago naging PBF secretary general.

Siya rin ang chairwoman ng Women in Sports Commission of the Philippine Olympic Committee.