-- Advertisements --

Nakuha ni Pinay billiard player Chezka Centeno ang kampeonato ng WPA women’s 10-ball champion na ginanap sa Klagenfurt, Austria.

Tinalo kasi ng 24-anyos na si Centeno si Yu Han ng China sa kanilang race-to finals.

Dominado ni Centeno ang buong laro at tuluyang tinalo ang three-time 9-Ball champion na si Yu sa score na 9-5.

Labis ang kasiyahan ng Zamboanga Cit native ng tuluyang maipasok ang panghuling bola.

Tila naiganti nito ang kapwa Pinay billiard star na si Rubilen Amit na tinalo ni Yu sa quarterfinals 9-3.

Dahil sa panalo ay mag-uuwi ito ng $50,000 o nasa mahigit P2.8 milyon na siyang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng women’s event.