BAGUIO CITY – Hindi hadlang para kay Mrs. Eco International 2019 Shiela DeForest na gampanan ang kanyang tungkulin bilang ambassador ng kalikasan sa panahon nga pandemya dulo ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa Pinay Beauty Queen, patuloy niyang isinusulong ang kanyang adbokasiya ukol sa tamang pagtapon at pagsegrate ng plastic waste.

Aniya, sa panahon ngayon ay lalong lumalala ang pagdami ng basura dahil pa rin sa pandemya.

Paki-usap ng dating model na si DeForest na huwag makaligtaan ng mga indibidwal ang pagdala ng mga reusable at eco-friendly na mga bag sa pagpunta ng mga ito sa palengke o sa mall.

Sa ngayon ay ipinagpapatuloy ng pinay beauty queen na tubong Pagsanjan Laguna ang kanyang respondibilidad bilang ambassador ng Eco International Organization