STAR BACOLOD – Nagsama para sa fundraising campaign ang dalawang female athletes na sina Joane Orbon at Pauline Lopez na kumatawan sa 2019 Southeast Asian Games na @GirlsGotThis at @FundLifeint campaign.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Karate Bronze Medalist Joane Orbon, sinabi niyang kasama si 2-time SEA Games gold medalist Pauline Lopez ay layunin nila sa kampanyang ito na mabigyan ng food relief ang mga pamilyang itinuturing na poorest of the poor at ang mga batang babae na biktima ng pang-aabuso at nakakaranas ng pagbabago sa kanilang sarili lalo na ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Inaanyayahan ni Orbon ang lahat kabilang na ang kanyang mga supporters, mga may interes sa sports at ang mga may mabubuting kalooban na suportahan ang kanilang campaign na @GirlsGotThis at @FundLifeint.

Si Orbon ay kumatawan at nanalo ng Bronze medal sa Southeast Asian Games 2019 noong Disyembre ng isang taon at dapat sana ay sasabak din sa huling qualification round sa nakanselang 2020 Olympic Games.