BIANCA PAGDANGANAN GOLF
Bianca Pagdanganan

TARLAC – Nasungkit nang pambato ng Pilipinas ang gold medal sa larong golf women’s individual stroke nitong araw.

Sa naganap na laro sa Luisita Golf Club sa Tarlac nakuha ng Pilipinang atleta na si Bianca Pagdanganan ang gintong medalya.

Sa una pa lamang nagpakitang gilas na si Pagdanganan hanggang matapos ang laro dahilan upang maungusan ang atleta na pambato ng bansang Thailand.

Ang tagumpay na ito ni Pagdanganan ay ikinatuwa ng Team Philippine maging ang mga humahanga sa naturang atleta.

Kung matatandaan si Pagdanganan ay gold medalist sa Asian games noong 2018 na ginanap sa Jakarta Indonesia. (report by Bombo Romel Campos)