-- Advertisements --
Ito’y matapos ibinasura na ng Sandiganbayan ang kasong graft na isinampa laban sa kaniya.
Sa tatlong pahinang desisyon, nakasaad na kinunsidera ng anti-graft court ang ruling ng Korte Suprema na ibasura ang kaso ni Arroyo.
Disyembre ng taong 2021, nang pagbigyan ng Supreme Court ang Motion for Reconsideration ni Arroyo para maabswelto ito sa kaso.
Tinukoy ng korte na hindi sapat na ebidensya para mapatunayang nagkaroon ng ‘conspiracy’ sa chopper deal.
Ang dating First Gentleman ay nauugnay sa kwestyonableng pagbili ng Philippine National Police sa dalawang second hand na helicopters noong 2009 na noo’y ipinalabas na bago o brand new.
Natanggap naman ng Sandiganbayan ang certified true copy ng Supreme Court resolution noong nakaraang buwan.