-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang pinaslang na Overseas Filipino Worker sa bansang Israel na si Angelyn Aguirre sa lungsod ng San Carlos.

Sa isinagawang eulogy para sa kanya, nag-alay ng mensahe ang naiwan nitong mga mahal sa buhay kung saan kanilang sinariwa ang mga alaala nito nang ito pa ay kanilang kapiling.

Ayon sa asawa ni Angelyn na si Nick Torre, hindi pa rin nito matanggap ang sinapit ng kaniyang asawa kung kaya’t gano’n na lamang ang kaniyang paghihinagpis.

Aniya, inaalala nito ang kanilang mga magagandang alaala noong nabubuhay pa si Angelyn.

Ipinaabot naman ni Genica Aguirre, kapatid ni Angelyn ang kaniyang pasasalamat sa pumanaw na kapatid na si Angelyn at isinalarawan niya ito bilang isang napakabuti at matulongin na kapatid.

Kaugnay nito, sinabi naman ng ama nito na si William Aguirre, na napaka-matulongin na anak si Angelyn, lalong-lalo na sa kaniyang mga kapatid dahil isa ito sa tumulong sa kaniyang mga kapatid upang makapagtapos sa pag-aaral.

Ipinaabot din nito ang kaniyang pasasalamat sa Overseas Workers Welfare Administration gano’n na rin kina Pangasinan Gov. Ramon ‘Monmon’ Guico III, Binmaley Mayor Pete Mererra, at iba pang mga opisyal na dumalo sa libing ng kaniyang anak.
Samantala, luha at paghihinagpis naman ang nangibabaw sa mensahe ng kaniyang ina na si Erlinda Aguirre at tandang-tanda pa nito ang huling habilin ng anak sa kaniya na mag-ingat mabuti.

agdag pa rito, nagpaabot din ng mensahe ang kaniyang amo sa naturang bansa sa pamamagitan ng sulat na binasa ng kaniyang ate, nakasaad sa sulat na nagdesisyon si Angelyn na manatiling manilbihan sa kanila sa loob ng 5 taon.

Kung kaya’t dahil doon, naging masaya ang inaalagaan ni Angelyn na si Cynthia, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon lumala ang karamdaman ni Cynthia hanggang sa tuluyan na itong nasawi noong agosto taong 2022, ngunit bagamat tapos na ang kontrata niya, sinabihan naman si Angelyn na pwede pa rin itong manatili sa kanila na agad namang sinang-ayunan ni Angelyn.

Samantala, humingi naman ang mga ito ng tawad sa pamilya ni Angelyn dahil sa nangyaring insidente at ipinaabot ang kanilang pakikiramay.