Inilunsad ngayong araw ng Department of Heath ang Pinaslakas Booster vaccination sa tanggapan ng Civil Service Commission.
Ito ay bahagi pa rin ng kampanya na mapalawak ang pagbabakuna ng booster kontra Covid-19 maging sa mga kawani ng pamahalaan.
Mensahe naman ni Civil Service Chair Karlo Nograles, aniya isa siyang buhay na patunay na mabisa ang mga bakuna kontra Covid-19.
Si Nograles ay kaka-rekober lamang matapos magpositibo sa Covid-19.
Aniya, dahil fully vaccinated at boosted na siya ay “very mild” na lamang ang sintomas na naranasan nita at mabilis rin ang kanyang naging paggaling.
Kaya patuloy na itutulak ni Nograles ang COVID vaccination sa mga ahensya ng pamahalaan gayundin ang paghikayat sa mga itong magbigay ng incentives sa mga kawaning magpapabakuna kontra Covid-19.