-- Advertisements --

Sinimulan na ng Pilipinas ang pagbakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 12 hanggang 17-anyos.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 80 percent o humigit kumulang 9 million mula sa 12 million kabataan sa bansa bago pa man matapos ang kasalukuyang taon.

Nauna nang sinimulan ang pediatric COVID-19 vaccination noong nakaraang buwan pero noong mga panahon na iyon ay limitado pa lamang sa mga mayroong comorbidities.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Health (DOH) na 23,727 kabataan ang naturukan ng initial dose.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na layon ng expansion ng pediatric COVID-19 vaccination na mahimok ang mga miyembro ng pamilya na magpabakuna na at para mapalakas din ang kumpiyansa sa resumption ng in-person classes.