-- Advertisements --
Kinumpirma na ng Russian defence ministry ang pagpapalubog ng Ukraine ng kanilang warship na Moskva.
Ang Black Sea Fleet na ito ng Russia ay tinamaan ng missile ng Ukraine.
Itinuturing kasi na ang 510-crew missile cruiser na ito ay isang simbolo ng kapangyarihan ng Russian military.
Unang sinabi ng Ukraine na tinamaan nila ito ng missile subalit itinanggi ito ng Russia at sinabing lumubog lamang ang nasabing barko matapos na ito ay masunog.
Ang 12,490 toneladong sasakyang pandagat ay isa sa pinakamalaking warship na napalubog mula noong World War II.