Tinamaan ng airstrike ng Israel ang pinakamalaki at pinakamataong Jabalya refugee camp sa hilagang Gaza sa ikalawang pagkakataon.
Kinumpirma ito ng Israel na nag-iwan ng malawak na pinsala at kumitil sa malaking bilang ng mga residente sa lugar.
Sa inilabas na statement ng Israel Defense Forces, napatay sa initial airstrike ang ilang miyembro ng militanteng Hamas kailang si Ibrahim Biari na inilarawan bilang isa sa commanders ng Hamas na responsable sa sopresang pag-atake sa estado ng Israel noong Oktubre 7 na kumitil sa mahigit 1,400 katao at daan-daan ang binihag.
Ang ikalawang airstrike naman ng IDF ay tumama sa karatig ng parehong refugee camp na Falluja.
Napinsala sa malawakang pagsabog ang ilang mga gusali kung saan makikita din sa mga larawan ang malalim na crater at mga taong naghuhukay sa mga gumuhong gusali at naghahanap sa mga survivor.
Inilarawan naman ng Civil defense na pinapatakbo ng Hamas sa Gaza ang insidente bilang ikalawang masaccre sa loob ng 2 araw.
Kumitil ito sa 80 katao habang daan-daan naman ang nasugatan ayon kay Dr. Atef Al Kahlout, director ng Gaza’s Indonesian hospital. Aniya, maraming mga labi ang hinuhukay na natabunan ng mga napinsalang gusali at mayorya ng mga namatay ay mga kababaihan at mga bata.